Thursday, August 9, 2012


                                       







REBAUDIANA (Stevia) – Isang uri ng halamang gamot na matatagpuan sa Paraguay. Ito 
ay pinatutubo sa Timog Amerika. Ginagamit ang Stevia bilang pamalit sa asukal sa lahat ng 
klase ng kanilang Lutuin. Ito ay humigit kumulang sampung beses ang tamis sa ordinaryong 
asukal. Ang Stevia ay mainam sa may diabetes dahil ito ay zero glycemic index. at mabisa 
sa ibat ibang karamdaman at sakit tulad ng Acne, Dermatitis, eczema, Mainam din ang
stevia sa pagbabawas ng timbang.


IPOMEA BATATAS (Talbos ng Kamote) – Ang Kamote ay may 500 uri. Ito lang ang nag-iisang
gulay na may taglay ng Iodine. Mataas ang calorie nito at sagana sa Vitamin A. Ang Talbos ng 
Kamote ay nagpapababa ng Blood Sugar, at Cholesterol, at mahusay sa mga maysakit na 
Diabetes Type 2. Mahusay din ang talbos ng kamote upang pigilin ang paglaki ng thyroid. 
Mabisa din ito upang pigilin ang constipation at stomach distress.
AMARANTHUS SPINOSUS (Uray/Kulitis) – Tumutubo sa mga bansang tropikal tulad ng Pilipinas. 
Maikli lang ang buhay nito, at mahusay sa mga dinudugo, tulad ng malakas na pagreregla. Mayaman 
sa mga Vitamins A, B6, C at Riboflavin. Sagana din ito sa dietary fibers at dietary minerals, tulad ng 
Calcium, Iron, Magnesium, phosphorus, potassium, zinc, copper at manganese. Mabisa sa ubo at 
pinipigil nito ang pagtatae ng tubig na may kasamang dugo. Mahusay din itong pampaihi. Ang 
pinakuluan na dahon ng uray ay mahusay na panghugas sa eczema, psoriasis at pamamantal. 
Mabisa din sa mga pagdurugo ng gilagid, at acute bronchitis. 

MORINGA OLEIFERA (Malunggay) – Kilala bilang “THE MIRACLE TREE”, dahil kaya 
nitong pigilin ang 300 uri ng sakit. Sa mga bahagi ng malunggay, ang mga dahon nito ang 
higit na pinapakinabangan. Napag-alaman sa pagsasaliksik na ang malunggay ay nagpapababa 
ng sugar level at nagi-stabilize ng blood pressure. Ito ay mayaman sa Vitamin A at C, Calcium, 
Protein, Iron at Potassium. Ang Malunggay ay ginagamit din bilang tropikal na lunas sa minor 
na impeksyon, at ito ay may antibiotic at fungicidal compound. Mabisa din ang malunggay na 
pampurga at pampagatas sa mga nagpapadedeng ina. Lunas din ito sa pagtatae at disenterya, 
nakakatulong sa pag-ihi.





CAPSICUM FRUTESCENS (Dahon ng Sili) – Ito ay mayaman sa Calcium, Iron, Phosphorous,
Vitamin A at B. Ayon sa pagsasaliksik, pinipigil ng sili ang pamumuo ng dugo at kaya nitong 
basagin ang blood clots. Ang taglay nitong  CAPSAICIN, isang uri ng phytochemicals na 
mahusay sa cardiovascular system. Ang sili ay mahusay na panlaban sa pagod, nagpapagana 
sa pagkain, at mahusay sa panunaw. Ito ay naglilinis din ng ating dugo at circulatory system. 
Nagpapababa ng blood sugar, blood cholesterol level. Nakakapag-alis din ito ng mga 
pananakit sanhi ng arthritis, rayuma, varicose vein, peptic ulcer at menstrual cramps. Panlaban
din ito sa may rayuma at mahusay din sa asthma, ubo at sipon.


CORCHORUS OLITORIUS (Saluyot) – Ang saluyot na kilala din bilang dahon ng Jute sa 
Bangladesh ay kinakain bilang gulay sa Africa, Middle East, at Southeast Asia. Bukod dito, 
ginagamit din itong herbal medicine upang pigilin ang disenterya, bulate, hirap sa pagdumi at 
iba pa. Ang dahon ng saluyot ay ginagamit ng bansang Hapon bilang pamalit sa TSAA at KAPE, 
health food at anti-stress. Mayaman sa mga Vitamins, carotenoids, calcium, potassium, at mga
dietary fibers. May taglay din itong phytochemical na mahusay panlaban sa cancer. Ang saluyot 
ay nakapag-aalis ng sakit na nagmumula sa gastroenteritis, lagnat, pestoral pains, di-matunawan 
at mahusay din sa almoranas at sakit sa bituka. Mahusay din ito na pampaihi (diuretic).

   
GREENLIFE PRODUCTS FEATURED IN ABS-CBN KABUHAYANG SWAK NA SWAK August 14, 2011 
                                     with Tv Host Mr. Bobby Yan & Ms. Dimples Romana


No comments:

Post a Comment